Pormal nang inilunsad ng Police Regional Office-13 ang kanilang Media Action Center para sa pagdaraos ng BSKE sa Caraga Region bukas, Oktubre 30 ng kasalukuyang taon.
Ayon kay Regional Public Information Office chief Police Major Jennifer S. Ometer., layunin nitong maipaabot ng real-time ang akma at tumpak na impormasyon sa media at publiko na may kaugnayan sa gaganaping eleksyon sa rehiyon.
Ang naturang Media Action Center ay pinamamahalaan ng ng mga tauhan ng pulisya na nakahandang umasiste sa mga kawani ng media.
Bukod dito ay mayroon rin itong naka standby na tagapagsalita para sa mga tanong at pagsasagawa ng mga press briefing kung kinakailangan.
Ang MAC ay pinamamahalaan ng mga tauhan ng pulisya na handang tumulong sa media, na may isang tagapagsalita na naka-standby para sa mga tanong at pagsasagawa ng mga press briefing kung kinakailangan.
Ayon naman kay Police Brig. Gen. John Kirby Kraft, ang kanilang responsibilidad ay hindi lamang upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan kundi pati na rin ang pagbibigay ng tumpak at mga napapanahong impormasyon.