BUTUAN CITY – Nakatakda umanong ibulgar ngayong linggo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga media entities na nagpapabayad at ginagawang negosyo ang pagbibigay ng balita laban sa mas hinigpitang anti-illegal drug campaign ng kanyang administrasyon.
Sa rally ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan sa Cabadbaran City, Agusan del Norte kagabi, partikular na pinangalanan ng pangulo ang Philippine Center for Investigative Journalism na umano’y magsasagawa ng masinsinang imbestigasyon laban sa kanyang kampanya.
Mula aniya sa ibang bansa ang nagbigay sa kanya ng impormasyon kung saan laman dito ang conversation ng nasabing mga media entities at ng mga drug cartels.
Kabilang din dito ang bansang nagbabayad sa kanila ng malaki, masira lang ang kanyang anti-illegal drug gampaign.
Dagdag pa ng pangulo, kahit bigyan pa siya ng 10 termino, kung mananatiling kurakot ang mga nasa paligid mula sa mga opisyal hanggang sa mga nasa media, hindi pa rin malulutas ang problema ng iligal na droga.