LA UNION – Masayang nagtapos ang isinagawang media fellowship sa Camp Diego Silang sa Barangay Carlatan, San Fernando City na pinangunahan ni PBGen Joel Sabio Orduña ng PRO-1 at PCol Jay Cumicad, acting Provincial Director ng La Union Police Provincial Office (LUPPO).
Dinaluhan ito ng mga taga-print and broadcast media kasama ang lahat ng hepe ng pulisiya sa buong lalawigan at matataas na opisyal ng Police Regional One.
Sinabi ni Gen. Orduña na isinagawa ang naturang aktibidad bilang pasasalamat sa lahat ng media kabilang ang Bombo Radyo La Union sa patuloy na pagsuporta sa kanilang mga programa at para na rin sa mas matatag pa na relasyon ng media at mga pulis.
Sa nasabing salu-salo, dalawa ang mula sa Bombo Radyo La Union ang nakakuha ng grand prizes na isang sako ng bigas at isang 32-inch television.
Ito’y sina MaryJane Ortiza, Bombo Field Reporter at Ann Sheryl Aragon, Newswriter ng Bombo Radyo La Union.