Maaari pa rin mag cover ang mga miyembro ng media sa mga quarantine areas kahit walang Presidential Communications Operations Office (PCOO) accreditation na magcover sa loob ng quarantine areas sa loob lang ng 72 oras.
Ayon kay PNP Spokesperson PBgen Bernard Banac ang mga pulis na nagmamando sa mga checkpoint ay may instructions na
pansamantalang pahintulutan na makadaan ang mga sasakyan na may sakay na media personnel, technical at production staff.
I Che-check lang aniya ng mga pulis ang mga ID ng mga taga-media at isasailalim sa normal na bio hazard protocols na itinakda ng DOH.
Nilinaw ni Banac na mula aniya hatinggabi ng March 20 ang sinumang miyembro ng media na walang PCOO accreditation ay hindi narin makakapasok sa quarantine areas.
Magugunitang bilang bahagi ng enhanced community quarantine, ang PCOO ang binigyan ng responsibilidad sa pagtiyak ng kaligtasan ng media na nagcocover sa quarantine areas.
Ang accreditation ay para madaling matukoy ang mga reporter na kinakailangan sumailalim sa Health check pagkatapos ng coverage, upang masiguro na hindi sila nahawaan ng covid 19 sa kanilang pagtatrabaho.