-- Advertisements --
Pumirma ng pledge of commitment ang mga media organization sa bansa sa Commission on Elections.
Layon ng hakbang na ito na tiyaking magiging patas at magkaroon ng integridad ang halalan ngayong taon.
Bago nito ay nagkaroon muna ng mga palitan ng tanong at suhestyon ang mga media organization at poll body.
Lumahok sa naturang pagpirma ang mga kinatawan ng komisyon at mga kinatawan mula sa TV, radyo, print at online.
Sa isang pahayag ay sinabi ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia, boluntaryo lamang ito para hindi malabag ang probisyon at ilang guidelines ng komisyon hinggil sa freedom of expression, freedom of speech, at maging sa usapin ng right to information.