-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Bagsak sa kulungan ang isang media practioner matapos na maaresto sa isinagawang operasyon ng mga awotoridad sa Brgy. Poblacion Pilar, Sorsogon.

Kinilala ang naaresto na si Joey Lobrigo, 49-anyos na kasalukuyang nakatira sa Brgy. Calongay ng naturang bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PLtCol. Benito Dipad, hepe ng Sorsogon PNP, inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Rofebar Gerona ng Regional Trial Court Branch 53, Sorsogon City.

Nahaharap si Lobrigo sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Illegal Possession of Firearms na may inirerekomendang pyansa na P200,000.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Sorsogon CPS ang suspek para sa karampatang disposisyon.