ILOILO CITY – Tiniyak ng chairman ng Florete Group of Companies na si Dr. Rogelio M. Florete Sr. na hindi na magiging second class citizen ang mga kasapi ng media na nagco-cover sa Dinagyang Festival.
Kasabay nang panunumpa ng mga bagong set of officers ng Iloilo Festivals Foundation Inc. na mamamahala sa Dinagyang Festival 2020 at iba pang festival sa lungsod, sinabi ni Dr. Florete na siyang chairman ng Media and Publicity Committee, hindi na mauulit ang mga insidente kung saan hindi nabibigyan ng importansya ang media.
Ayon kay Dr. Florete, malaking papel ang gagampanan ng mga kasapi ng media sa promosyon ng Dinagyang Festival 2020.
Ani Dr. Florete, sa pamamagitan ng media makakamit ng Iloilo Festivals Foundation Inc. ang paglevel-up ng nasabing selebrasyon.
Napag-alaman na ito ang unang pagkakataon na ang Iloilo Festivals Foundation Inc. ang mamamahala sa Dinagyang Festival matapos na binuwag ang Iloilo Dinagyang Foundation Inc.