-- Advertisements --

Puspusan ang panawagan ng Media Security Vanguards, na unang itinatag noong Enero 2022 sa ilalim ng Department of the Interior and Local Government (DILG), ang pagpapalakas ng seguridad para sa mga mamamahayag habang papalapit ang 2025 midterm elections.

Sa kamakailang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., binigyang-diin ang pangangailangan ng mas mahigpit na mga hakbang sa seguridad para sa mga manggagawa sa media bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta ng gobyerno sa malaya at ligtas na pamamahayag.

Binigyang diin din ng Philippine Task Force on Media Security (PTFOMS) ang kanilang pangako na protektahan ang kalayaan sa pamamahayag at tiyakin ang kaligtasan ng mga media workers.

Ayon kay Presidential Communication Office Secretary Jaybee Ruiz, kinikilala nila ang patuloy na laban para sa seguridad ng mga media practitioner at nangakong patuloy nilang minomonitor at tinutugunan ang iba’t ibang uri ng pananakot at harassment, kabilang na ang mga online threats , mga pagbabanta, at iba pang anyo ng karahasan laban sa mga mamamahayag.

‘Noong panahon ni PBBM, pinapalagahan po ang lahat ng klase ng buhay ng tao lalo na itong mga media killings ay talagang binigyan po ng direk na utos ng pangulo na tiyakin na tuloy-tuloy itong record na ‘to.’ Lalo na sa 2025, hopefully po kahit election ‘wala pong masasaktan o ‘walang mamatay sa hanay ng media. Kung dati may mga nangyayaring media killings sa panahon ngayon mula 2024 hanggang ngayon ‘wala pa po tayong nababalitaan na ganyan,’ pahayag ni Sec. Ruiz.

Sa panig naman ng kapulisan sinabi ng mga ito na hindi sila magpapabaya at patuloy nilang ipaglalaban ang proteksyon ng mga mamamahayag at ang integridad ng media.

Ang Media Security Vanguards ay binubuo ng mga ahensya tulad ng Department of Justice (DOJ), PCO, DILG, Commission on Election (Comelec), Philippine National Police (PNP), at PPTFOMS.