-- Advertisements --

Ipinilit pa rin ni dating Executive Secretary Salvador Medialdea na ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ay isang malinaw na kidnapping.

Isinagawa ni Medialdea ang pahayag sa pagharap niya sa pre-International Criminal Court Pre-trial ng dating pangulo dahil sa crime against humanity .

Inakusahan din nito ang ICC na nakipagsabwatan ito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr para sa pag-aresto kay Duterte.

Si Medialdea ay tumayong abogado ni Duterte sa isinagawang pre-trial conference ng dating pangulo na pinangunahan ni Presiding Judge Iulia Antoanella na isang Romanian.

Magugunitang inaresto ng ICC si Duterte dahil kasong war against humanity bunsod ng kaniyang madugong giyera laban sa iligal na droga.