Nilinaw ng Malacañang na hindi pa raw natatanggap ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang opisyal na utos mula kay Pangulong Rodrigo Duterte na magpadala na ng abiso sa Estados Unidos kaugnay sa pagbasura sa Visiting Forces Agreement (VFA).
Ito’y makaraang mapaulat na natanggap na raw ni Medialdea ang instruction mula sa Punong Ehekutibo.
Dahil dito, tinawag ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na “fake news” ang nasabing impormasyon dahil hindi pa raw nakakarating sa lamesa ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. ang nasabing kautusan.
Iginiit ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na kung wala pa raw kautusan ang Pangulong Dutert ekay Medialdea, hindi raw ibig sabihin na mali ang nauna nitong pahayag.
“What [Secretary Lorenzana] meant is [Executive SecretaryMedialdea] has yet to receive the instruction,” wika ni Panelo.
“That is what [Executive Secretary] also told me last night that he has not received the instruction yet from [President Duterte]. There is no inconsistency. I was quoting [President Duterte] of what he told me,” dagdag nito.
Matatandaang nag-ugat ang utos na ito ng Pangulong Duterte sa pagkansela ng gobyerno ng Amerika sa visa ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.