Binawasan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang medical assistance na kanilang binibigay sa mga mahihirap sa Negros Occidental.
Ayon kay PCSO acting branch manager Jose Manuel Villagracia, mula sa dating P211,200,000 binawasan ito ng PCSO simula Abril 15 sa halagang P133,056,000.
Sinabi ni Villagracia na binawasan nila ang inilaang pera sa Negros Occidental branch para taasan naman ang pondo na inilalalaan sa mga idigent patients sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital (CLMMRH) sa Bacolod City at iba pang mas mahirap na lugar sa Pilipinas, na nangangailangan din ng tulong.
Ang pondo na inilaan sa CLMMRH ay tinaasan mula sa 100,000 kada araw (22 araw kada buwan) o P226,400,000 annually, sa P245,000 kada araw retroactive hanggang Enero.
Nangangahulugan lamang ito na makakatanggap ang CLMMRH ng P64,680,000 o pagtaas ng P38,280,000 ngayon taon mula sa PCSO.