-- Advertisements --
Nananawagan ang mga medical association ng Sri Lanka ng implementasyon ng mahigpit ng travel restrictions para mapagilan ang pagkalat ng Delta variant ng COVID-19.
Ayon sa Sri Lanka Medical Association (SLMA) na nagkakapunuan na ang mga pagamutan dahil sa nakakamatay na Delta variant.
Pinangangambahan ni Dr. Manilka Sumanatilleke ang vice president ng SLMA na baka matulad sila sa India na wala ng mga pagamutan para sa mga dinadapuan ng COVID-19.
Nararapat aniya na gumalaw na ang gobyerno para hindi umabot pa sa pagkakaubos ng mga pagamutan.
Mabilis aniyang kumalat ang Delta variant kung saan sinasabayan ang nagaganap na vaccination drive ng bansa.