Napansin ni Senate Comittee on Basic Education, Arts and Culture Chairperson Senator Win Gatchalian na hindi kasama sa proposed P562 billion budget ng Department of Education (DepEd) sa 2021 ang medical benefits para sa mga guro.
Sa budget deliberation ng Senado, sinabi ng sendor na dati ay mayroong P500 kada buwan na natatanggap ang mga guro para sa kanilang medical benefits nguni batay sa committee report ay walang alokasyon ng budget para rito.
Dapat aniya na muling ilagay ito sa budget ng kagawaran upang palakasin pa ang morale ng mga guro sa kabila ng nararanasang coronavirus pandemic.
Ayon naman kay Senator Pia Cayetano, wala itong tinanggal ngunit ang nasabing item at hindi kasama sa National Expenditure Program (NEP).
Sa tulong umano ng Legislative Budget Research and Monitoring Office (LBRMO), ay nakakita sila ng paraan kung paano ito maisasama sa pondo bilang parte ng expenses ng mga guro na maaari nilang gamitin bilang allowance.
Dagdag pa ng senador, tinaasan nila ng hanggang P2 billion ang budget para magamit ng mga teachers ang kanilang medical benefits.