Kinumpirma ni Sen. Bong Go na tapos ang medical check-up ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Go na wala na umanong dapat ipag-alala ang mga publiko sa kondisyon ni Pangulong Duterte kaugnay sa iniindang pananakit ng likod o spinal column.
Ayon kay Sen. Go, “muscle spasm” o pananakit ng kalamnan lamang ang sanhi ng matinding pananakit sa gulugod ni Pangulong Duterte.
Sumailalim daw sa MRI si Pangulong Duterte at wala namang nakitang problema sa kanyang spinal column.
Inihayag ni Go na pinayuhan lamang ng doktor si Pangulong Duterte na magpahinga ng dalawa hanggang tatlong araw.
Maliban dito ay may mga gamot na nireseta ang mga doktor para sa Pangulo.
“Sakit niya ngayon, muscle spasm lang. Ang kinabahala namin at first kung tinamaan ang kanyang spine since it was unbearable pain nga po ang nararamdaman nya kahapon pero salamat po sa Panginoon at wala naman pong dapat ikabahala at tiningnan talaga ng doctor habang ginagawa ‘yung MRI, tiningnan ng doctors kung meron bang naipit na ugat that caused the pain, wala naman po. Nakita nila purely muscle spasms at ‘yung gamot na binigay sa kanya para doon sa muscle spasms,” ani Sen. Go.