Binigyang linaw ngayon ng abogado ni Pastor Apollo Quiboloy na ligtas at hindi nakakabahala ang kondisyong medical nito ngayon.
Kasunod ito sa kumalat na balit na nagkakaroon ng malubhang sakit ang lider ng Kingdom of Jesus Christ.
Sinabi ni Attorney Israelito Torreon, na ang “irregular” na pagtibok ng puso nito ay dahil sa kaniyang active lifestyle.
Palagi kasi ito ng naglalaro ng basketball kaya mayroon itong athletes heart na tinatawag.
Ito aniya ang dahilan kaya humiling sila sa Pasig City court na sumailalim siya sa medical check-up at masuri ang kabuuang physical na kalagayan nito.
Magugunitang inireklamo ni Quiboloy ang pananakit ng kaniyang dibdib noong Nobyembre 7 kaya sinuri siya agad sa PNP General Hospital.
Humirit din sila na mapayagan silang maglagay ng gadgets sa loob ng selda nito na siyang magpapaganda ng bentilasyon doon.
Una ng humirit ang kampo nito ng hospital o house arrest ang kampo ni Quiboloy dahil sa kaniyang kasalukuyang medical condition.