-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagpatuloy sa paghahatid ng serbisyo ang Medical-Dental outreach program ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato sa tatlong malalayong barangay ng lalawigan.

Katuwang ang Integrated Provincial Health Office (IPHO) matagumpay na nabigyan ng serbisyo ang mga residente ng Barangay Allab Arakan, Gastav Banisilan at Tigbawan sa bayan ng Pigcawayan Cotabato.

Sa datos na isinumite ng IPHO, abot sa 299 ang nakabenepisyo ng libreng check-up, 94 ang nabunotan ng ngipin, 2 ang sumailalim sa libreng tuli at 3 ang tumanggap ng bakuna kontra Covid-19.

Ang medical-dental outreach program ng pamahalaang panlalawigan ay bahagi ng pinalakas na programang pangkalusugan ni Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza upang matulungan at mabigyan ng serbisyong medikal at dental ang bawat Cotabateñong lubos na nangangailangan lalung lalo na sa mga malalayong lugar.