CENTRAL MINDANAO-Patuloy sa pamamahagi ng dekalidad na serbisyong medikal ang programang Medical-Dental Outreach Program ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato na pinamumunuan ni Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza.
Sa pangunguna ng Integrated Provincial Health Office (IPHO), Rural Health Unit (RHU) ng bayan at mga Barangay Health Workers (BHW) matagumpay na natulungan ang mga residente ng Barangay Pacao, Alamada, Cotabato.
Sa datos na isinumite ng IPHO, 167 ang nakatanggap ng libreng check-up, 40 ang matagumpay na nabunutan ng ngipin, 49 na mga batang lalaki ang sumailalim sa libreng tuli, 7 na mga buntis ang tumanggap ng buntis kit at 4 ang nabakunahan kontra covid-19.
Sa susunod na mga araw, ilang mga barangay pa ang makakatanggap ng serbisyo mula sa mas pinalakas na programang pangkalusugan ng probinsya ng Cotabato.