-- Advertisements --
Nanawagan na ang American Medical Association sa administrasyon ni US President Donald Trump na ibahagi kay President elect Joe Biden ang COVID-19 information ng kanilang administrasyon.
Ayon kay AMA Presidente Dr. Susan Bailey na dapat huwag sayangin ng Trump administration ang oras dahil tumataas na ang bilang ng mga nasasawi matapos dapuan ng coronavirus.
Nakataya aniya ang buhay ng maraming mga health workers kaya mahalaga ang pamamahagi ng impormasyon.
Magugunitang hinihintay lamang ng transition team ni Biden ang Trump administration para sa distribusyon na ng bakuna.