-- Advertisements --

Nagsama-sama ang mga miyembro at aplikante ng Bagong Bayani Hong Kong Executive Eagles Club at Lady Eagles Club sa ilalim ng The Fraternal Order Of Eagles-Philippine Eagles Incorporated at nagsagawa sila ng Medical Mission ( Free Blood Glucose Sugar Test and Blood Pressure Test ) sa Saint Joseph Church, Garden Road, Central Hong Kong nitong Oktubre 20.

Nagbigay din sila ng 200 piraso na Free Digital Thermometer Kit sa ating mga kababayan OFW para magamit nila ito ng personal.

Ang gawain na ito ay pinamunoan ni Eagle Marlon Pantat De Guzman na Club President ng Bagong Bayani Hong Executive Eagles Club, Eagle Rolly Antonio ng United Manila Ford Eagles Club at Lady Eagle Mherly Quijalvo ng Hong Lady Eagles Club.

Ito ay pagpapakita na ang mga Philippine Eagles ay may adhikain na tumulong sa Kapwa Tao sa pamamagitan ng mga ganitong gawain para sa ating mga kababayan sa Hong Kong.

Sa kabuuan ay nakapagsilbi sila ng humigit kumulang na 156 na nakuhaan ng Sugar Glucose Sugar Test at 189 sa Blood Pressure Test. Ikinatuwa nama ito ni Ginang Arsenia Barbado na isang Overall Coordinator ng mga OFW sa Saint Joseph Church para maisagawa ang ganitong gawain.

Ayon sa Club President Marlon De Guzman ay patuloy nilang gagawin ito at ililipat-lipat sa ibat ibang lugar sa Hong Kong kung saan nagkakatipon tipon ang ating mga kababayan OFW sa araw ng kanilang Day-OFF. Pagkatapos ng community service ay binindisyonan naman sila ng attending Parisht Priest sa nasabing simbahan.