-- Advertisements --

Naganap nitong Nobyembre 24, 2024, bandang 10:00 AM Ang Medical Mission ng Bagong Bayani-Hong Kong Executive Eagles Club at Lady Eagles Club ng NCR 116 sa ilalim ng The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles Incorporated.

Ito ay pinamunoan ni Lady Eagle President Angel Payos at Lady Eagle Vice President Teresita Fung.

Nagsagawa sila ng isang Community Service sa pamamagitan ng isang Medical Mission- LIBRENG Blood Glucose Sugar Test at Blood Pressure Test sa loob ng Bayanihan Center-Kennedy Town-Hong Kong na kung saan ang lugar ay pinagkakatipon tiponan ng ating mga kababayan sa kanilang Day-Off.

Nakamit ng Club ang kabuuang bilang ng napagsilbihang mga kapuwa OFWs- 100 katao para sa glucose sugar test at 120 blood pressure test.

Ang naganap ng Medical Mission ay naging matagumpay sa pakikipag ugnayan ni Marlon De Guzman na Club President at Abelardo David Guevarra na Vice President ng Bagong Bayani Hong Kong Executive Eagles Club kay Ginang Tess Ubamos-Officer in Charge na sa siyang namamala sa mga Filipino OFW’s sa Bayanihan Center.

Ang gawain ito ay mananatiling gagawin ng Eagles Club bilang sinumpaang tungkulin sa The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles Incorporated na ang misyon ay maglingkod sa Sangkatauhan sa pamamagitan ng pinalakas na Kapatiran- DEO ET PATRIA- PARA SA DIYOS at BANSA.