-- Advertisements --
Nagkakaubusan na ang mga medical oxygen supplies sa iba’t-ibang pagamutan sa Indonesia.
Ito ay dahil sa patuloy ang pagdami ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay senior minister Luhnut Binsa Pandjaitan na inilaan na ng mga gumagawa ng oxygen sa mga pagamutan.
Paliwanag nito na mayroong pang sapat na oxygen subalit naging malakas ang demand dahil maraming mga indibiwal ang bumibili dahil sa pananalasa ng Delta variant ng COVID-19.
Sa loob lamang kasi ng isang araw ay nagtala ang nabanggit na bansa na 29,745 na kaso ng COVID-19 na mayroong 558 na ang nasawi.