Nagsagawa ng kilos protesta ang mga medical practitioners at mga kababaihan sa New Delhi,India nitong Sabado.
Ito’y kasunod sa ginawang pagpatay matapos gahasain ang isang 31-year old trainee doctor.
Natagpuang duguan at wala ng buhay ang babaeng doktor sa state-run R.G. Kar Medical College and Hospital sa West Bengal State sa Inda.
Batay sa isinagawang otopsiya, positibong hinalay ang biktima at brutal na pinaslang.
Samantala, ang protesta ay pinangunahan ng Indian Medical Association (IMA).
Panawagan ng asosasyon kay Indian Prime Minister Narendra Modi ang hustisya sa namatay na doktor at tiyakin ang seguridad ng mga medical practitioners.
Batay sa pahayag ng IPM walang maayos na pahingahan ng mga doktor sa nasabing ospital kaya panahon na para tutukan ang nasabing isyu.
Kaagad nagsagawa ng 24 hrs shutdown ang mga doktor sa lahat ng ospital para makiisa sa kanilang isinagawang protesta.
Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng rape at sexual assault sa India na naging sanhi ng kabi-kabilang paghingi ng hustisya ng mga kababaihan sa naturang bansa. (Bea Peniza)