LAOAG CITY – Nagpadala ang Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center (MMMHMC) sa lungsod ng Batac sa lalawigan ng Ilocos Norte ng medical team sa Batangas para tumulong din sa mga evacuees na apektado ng pag-aalburuto ng bulkang Taal.
Sa eksklusibong interview ng Bombo Radyo Laoag kay Doctor Romel Rasos, ang Disaster Risk Reduction Management Manager ng nasabing hospital, ang ipinadala nilang medical team ay binubuo ng ilang doctors, nurses at nagdala pa sila ng ambulansya.
Maliban dito, nagdala pa ang grupo ng mga medical supplies at equipment gaya ng nebulizer machines, N95 mask, surgical mask, mga gamot gaya ng antibiotics, multivitamis, gamot sa eye irritation, asthma at lung problems.
Dagdag ni Rasos na magtatagal ang kanilang medical team sa Batangas sa loob ng dalawang linggo at susunod naman ang ikalawang batch.