-- Advertisements --

Ibinunyag ng medical staff ni Pope Francis na ikinokonsidera na nilang tigilan na ang pagpapagamot nito para ito ay pumanaw na.

Sinabi ni Professor Sergio Alfieri, na noong Pebrero 28 ay dumating ang kritikal na kalagayan kung saan hirap ng makahinga ang 88-anyos na Santo Papa.

Dagdag pa nito na namili sila kung ititigil na ang pagpapagamot o pilitin ito ng ininom ang anumang gamot para sa pagpapagaling sa kaniya.

Pinili nila ang nasabing pagbibigay ng gamot sa Santo Papa kahit na may malaking panganib na makasira kaniyang mga internal organs.

Ang desisyon na para ituloy ang pagpapagamot sa Santo Papa ay mula sa nurse ng Santo Papa na si Massimiliano Strappetti ang personal health care assistant.

Giit nito na kailangan na subukan ang lahat ng makakaya at hindi sila basta bibigay.

Magugunitang nitong Marso 23 ng makalabas na ang Santo Papa sa pagamutan matapos ang 38 araw nito.

Ito na ang pinakamatagal na araw na pananatili ng Santo Papa sa pagamutan mula ng maupo sa puwesto 12 taon na ang nakakalipas.