-- Advertisements --
Pansamantalang ipinagpaliban ang pagsasagawa ng medical trial ng Moderna biotechnologies.
Ito ay matapos na bumagsak sa 7 percent ang kanilang shares nitong nakaraang araw na nakaapekto sa gagawing trial.
Hindi naman nilinaw ng kumpanya kung kailang ipagpapatuloy ang last-stage na trial sa nasa 30,000 na nagboluntaryo para sa bakuna.
Nauna rito iginiit ng kumpanya na itutuloy nila ang nasabing pagsasagawa ng trial ngayong buwan kung saan nasa phase 3 na sila.
Magugunitang nag-uunahan na rin ang ilang kumpanya kagaya ng Pfizer at AstraZeneca Plc na gumawa ng mga bakuna para sa coronavirus.