-- Advertisements --
PWD senior citizens old lolo lola
Senior citizens, PWDs during the 2019 midterm polls (photo from Bombo Bam Orpilla)

Hanggang ngayon umaani ng iba’t ibang mga reaksiyon ang inilabas na ulat ng World Health Organization (WHO) sa mga posibleng gawin na kahit papaano ay maiibsan daw ang agarang pagkakaroon ng dementia.

Tinataya ng mga eksperto na aabot sa 50 milyong katao sa buong mundo ang apektado ng dementia at walang epektibong gamot sa naturang disease.

Una nang inilabas ng WHO ang kanilang guidelines at rekomendasyon “to reduce the risk of dementia.”

Kabilang sa payo ng WHO ay ang pagkakaroon ng regular physical exercise, pag-iwas sa paninigarilyo, less alcohol sa pag-inom, pagmantine ng healthy blood pressure at healthy diet.

Partikular na raw sa pagsunod sa tamang diet at ang tinatawag na Mediterranean.

Ang Mediterranean diet ay ang pagkain ng simpleng plant-based cooking, little meat at paggamit palagi ng olive oil.

“The Mediterranean diet is the most extensively studied dietary approach, in general as well as in relation to cognitive function,” bahagi pa ng WHO report. “Several systematic reviews of observational studies have concluded that high adherence to the Mediterranean diet is associated with decreased risk of mild cognitive impairment and Alzheimer’s Disease, but modest adherence is not.”

Nakapaloob din sa 78-page report na dapat mag-obserba sa maayos na pagbabantay sa timbang, hypertension, diabetes at dyslipidemia o unhealthy or unbalanced cholesterol levels.

Ang international health body ay nagbabala rin sa paggamit bilang dietary supplements ang vitamins B at E upang labanan ang “cognitive decline and dementia.”

Kasama rin sa tinukoy sa report ay pag-iingat sa antioxidants, omega-3 at ginkgo.

Batay sa data ng WHO nasa 10 million ang panibagong kaso ng dementia kada taon at pinangangambahang magiging triple pa pagsapit ng 2050.

Liban sa malaking epekto nito sa pamilya ang sakit ay malaking gastos sa pag-aalaga ng mga taong may dementia na tinatayang tataas pa sa $2 trillion kada taon pagdating ng 2030.

Bagamat pinupuri ng ilang mga eksperto ang komprehensibong report ng WHO, mahina naman daw ang pinanghahawakang ebidensiya na ang kanilang panukala ay makakatulong nga sa paglaban sa dementia.

Isa na rito sa nagdududa sa report ay si Robert Howard, isang professor ng old age psychiatry sa University College London.

Para kay Howard, ang lagi naman daw niyang sinasabi sa kanyang pasyente na anumang nakakaganda sa puso ay maaaring para rin sa utak ng tao.

“In the next 30 years, the number of people with dementia is expected to triple,” said WHO Director-General Dr Tedros Adhanom Ghebreyesus. “We need to do everything we can to reduce our risk of dementia. The scientific evidence gathered for these Guidelines confirm what we have suspected for some time, that what is good for our heart, is also good for our brain.”

dementia who

Dementia

Dementia is a syndrome – usually of a chronic or progressive nature – in which there is deterioration in cognitive function (i.e. the ability to process thought) beyond what might be expected from normal ageing. It affects memory, thinking, orientation, comprehension, calculation, learning capacity, language, and judgement.

Dementia results from a variety of diseases and injuries that affect the brain, such as Alzheimer disease or stroke.

The number of people living with dementia worldwide is currently estimated to be around 50 million. This number is expected to triple by 2050. Dementia can be overwhelming, not only for the people who have it, but also for their care-givers and families. A better understanding of dementia is needed in all countries, to help break down the stigma and misunderstandings that are still widespread and, for many people, prevent diagnosis and care. (WHO)