BUTUAN CITY- Wala kahit sa hinagap man lang ng isang medical technologist mula sa Adela Sierra Ty Memorial Medical Center sa Tandag City sa Surigao del Sur na mag-viral sa social media ang kanyang layunin lang na matapos niya ang nagpapatuloy na laboratory test bago ma-evacuate mula sa ospital ng sumiklab ang sunog mula sa katabing gusali kagabii.
Ayon sa uploader na si Stefan Balani, nagayari ito ilang sandali lang matapos ang kayang duty kung saan nakita niya ang kanyang matapang na kasamahan na mas piniling magpaiwan at ipagpatuloy ang pag-cross match ng dugo para sa bagong panganak pa lang na pasyenteng sanggol.
Ayaon kay Balani, ang totong ‘call of duty’ para makapagligtas ng buhay ng iba , ang dahilan na hindi tumakbo ang kanyang kasamahang medtech na si Jeia Guingue na kumuha lang sa kaniyang bag at hindi iniwayan ang kanyang trabaho.
Batid aniya ni Guingue na kailangang makuha kaagad ang resulta ng test para sa bago pa lang panganak na sanggot lalo na at mahaab ang prosesosa ng cross-matching at kailangan ito ng pasyente at hindi pwedeng magkamali sa pag-abono ng dugo.
Sa eksklusibong panayam naman ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni FO3 Eric Masangcay ng Bureau of Fire Protection o BFP-Tandag City, na hindi aniya kinabahan si Guingue ng makita na ang complex lang na parte ng ospital ang nasunog dahilan na ligtas din na natapos nito ang kanyang trabaho.