-- Advertisements --

Naungusan na ni Daniil Medvedev si tennis star Roger Federer sa world ranking ng inilabas ng Association of Tennis Professionals (ATP).

Sa pinakahuling ranking ay nasa pang-apat na puwesto na ngayon ang Russian tennis star habang nasa pang-limang puwesto ang Swiss tennis star na si Federer.

Isang naging susi para umangat ang puwesto ni Medvedev ay ang panalo niya kay Alexander Zverev sa Paris Masters finals.

Nangunguna pa rin sa listahan ng ATP si Novak Djokovic habang nasa pangalawang puwesto si Rafael Nadal.