-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Kinumpirma ng presidente ng League of Cities of the Philippines (LCP) na kanselado ang nakatakdang meeting ng mga alkalde sa Metro Manila sa araw ng Miyerkules dahil sa Taal volcano eruption.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Bacolod City Mayor Evelio Leonardia, napagkasunduan na huwag na munang ituloy ang pulong dahil maraming flights sa Ninoy Aquino International Airport ang kanselado kaya’t hindi makakabiyahe ang mga alkalde.

Sa kabila nito, magtatabi umano ng pondo ang mga lungsod upang makatulong sa lalawigan ng Batangas na labis na apektado ng ashfall.

Handa rin aniya ang Bacolod City na magpadala ng tulong sa Batangas.