-- Advertisements --
TRUMP KIM 2
Trump-Kim

Walang mangyayaring pag-uusap sa pagitan ng U.S. at North Korea ngayong Setyembre.

Ayon kay US Secretary of State Mike Pompeo, hindi agad nila naayos ang pagpupulong kaya hindi ito matutuloy.

Dagdag pa nito na may mga pahayag ang North Korea na sa katapusan ng Setyembre isasagawa ang pagpupulong subalit hindi nila ito agad naayos.

Layon ng pagpupulong nina US President Donald Trump at North Korea leader Kim Jong Un ang usapin ng pagbaklas ng nuclear at missile programs ng North Korea.

Magugunitang unang nag-usap ang dalawang lider noong Hunyo 2018 subalit hindi buong naisakatuparan ang ilang napagkasunduan.