-- Advertisements --

TOKYO – Inaasahang dadayuhin umano ang nakatakdang Filipino community meeting ni Pangulong Rodrigo Duterte bukas ng gabi.

Sinabi ni Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel V, 2,500 katao ang kayang makapasok sa venue ng Filcom event ni Pangulong Duterte pero inaasahang lalampas pa ito sa 3,000.

Ayon kay Amb. Laurel, handa naman sila sakaling kulangin ang pasilidad para ma-accomodate ang mga kababayang nais makita at marinig ng personal ang magiging mensahe ni Pangulong Duterte.

Inihayag ni Amb. Laurel na kukuha na lamang sila ng isa pang kuwarto sa hotel na pagdarausan ng okasyon para doon ay makapaglagay ng TV monitors o widescreens para sa mga hindi makakapasok sa venue.

“Well we provided roughly about 3,000 but I don’t think 3,000 will be enough. There will be more. So there will be spillovers. So we have to get one room just on — instead of if they come, he will be only on television monitors. The room in Palace Hotel is only good for about 2,500. So magsisikip at we are trying to give tickets on a raffle basis. Binobola na namin. Of course first come, first served. And I’m sure there will be a great attendants,” ani Amb. Laurel.