-- Advertisements --

Hindi face to face ang nakatakdang meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping sa April 8.

Sinabi ni Acting Deputy Presidential Spokesman Undersecretary Kris Ablan na virtual ang pagpupulong ng dalawang lider.

Ayon kay Ablan mismong si President Xi ang nag-initiate ng meeting kay Pangulong Duterte.

Wala pang inilalabas na agenda ang Malacañang hinggil sa virtual meeting nina Pangulong Duterte at President Xi Jinping.

Magugunita na una itong ipinahayag ng pangulo sa kanyang naging talumpati sa Lapu-Lapu City kung saan sinabi rin niya na mananatiling “neutral” ang Pilipinas sa nangyayaring digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine kasabay ng paggiit na hinding-hindi siya magpapadala ng mga sundalong Pilipino sa anomang giyera dahil wala aniyang kinalaman ang ating bansa rito.