CENTRAL MINDANAO-Isa na namang magandang balita para sa mga naghahanap ng mapapasukang trabaho o mga job seekers sa Lungsod ng Kidapawan at karatig na mga bayan.
Ito ay sa Mega Job Fair 2022 (Trabaho, Negosyo, Kabuhayan) na pangungunahan ng Public Employment Service Office o PESO Kidapawan na gagawin sa City Convention Center sa darating December 14, 2022.
Abot sa limang kumpanya para sa overseas job applications ang lalahok sa Mega Job Fair at ang mga ito ay kinabibilangan ng SMC Manpower Agency, Placewell International Services Corp., Online Hiring Corp., Zontar Manpower Services. Inc. at Alorica, ayon kay PESO Manager Herminia Infanta.
Naghahanap sila ng mga job applicants tulad ng coffee maker, assistant cook, waiter, quality specialist, beautician, clerk, at cleaners. May job opening din para sa mga medical technician, laborer, press operator, painting metal work, road rolling work, welder, butcher, factory worker, chef assistant at care worker.
Maliban rito, naghahanap din ang naturang mga overseas company ng mga supervisor, engineer, foreman, waiter, receptionist, cook, technician, at customer service representative.
Samantala, abot naman sa 10 mga local companies ang lumahok sa job fair. Kabilang dito ang Pryce Gases, Inc., Toyota Kidapawan, CITI Hardware, Alternative Network Resource Unlimited Multipurpose Cooperative, KCC Marbel, DC Invest, Cotabato Sugar Central, Citi Star, VXI Global B.V., at Gaisdano Grand Mall Kidapawan.
Tatanggap sila ng mga aplikasyon para sa sales center clerk, light vehicle driver, delivery hotline driver, HR Manager, IT specialist, admin assistant, auto mechanic, LPG filler, electrician, delivery sales representative, sales supervisor, marketing coordinator, accounting/HR/finance staff, production trainee, at heavy vehicle driver.
Maaari ding mag-apply ang mga local applicants bilang marketing professional, service advisor, accountant, sales assistant, sales utility clerk, bagger, cashiers, counter checker, fitting room attendant, stockman, staff engineer, mechanical engineer, PRM staff, home and safety officer, at quality assurance section head.
Bukas din at maaaring mag-apply sa iba pang local job openings tulad ng legal personnel officer, training and development officer, warehouse manager, bagger factory manager, accounting analyst, purchaser, visual merchandiser, at marketing liaison.
Isa raw itong malaking pagkakataon na iniaalay ng City Government of Kidapawan sa pangunguna ni Mayor Atty Jose Paolo M. Evangelista para sa naghahanap ng trabaho o mapapasukang kumpaya katuwang ang mga partner agencies. Paraan rin daw ito upang tuluyang makabawi ang ekonomiya ng lungsod mula sa negatibong dulot ng COVID-19 pandemic kung saan maraming kumpanya ang pansamantalang nagsarado at naapektuhan ang maraming trabaho, dagdag pa ni Infanta.
Partner offices/agencies naman ng PESO Kidapawan ang DOLE, DTI, DWM at iba pa sa nabanggit na aktibidad.
Kaugnay nito, hinihimok ni Infanta ang lahat ng interesado at kwalipikadong aplikante na samantalahin ang magandang pagkakataon at lumahok sa Mega Job Fair 2022.