-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nakatakdang magsagawa ng Mega-rally bukas o huling araw sa filing ng Certificate of Candidacy ang iba’t-ibang grupo na nanawagan kay Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na tumakbo sa pagka-Pangulo sa National and Local elections.

Kahit na nauna ng sinabi ni Mayor Inday na hindi ito kakandidato sa mas mataas nga posisyon, kampante pa rin ang grupo na Mayor Inday Sara Duterte-Carpio Philippine Movement na may mangyayari pa.

Ayon sa founder ng grupo nga si Jho Arandia, naghahanda na ang mga grupo sa kanilang aktibidad bukas sa iba’t-ibang lugar ng bansa.

Sinasabing isasagawa nila ito sa pamamagitan ng online conferencing kung saan kabilang sa mga makikiisa ang mga kilalang personalidad.

Samantalang sa official facebook page ni Mayor Inday, sinabi nito na nakakalungkot isipin na hindi niya maibibigay ang pamawagan ng mga tao.

Gusto ni Mayor Inday na tapusin na muna niya ang kanyang termino bago tatakbo sa mas mataas nga posisyon.

Marami umano ang nasaktan, sa kanyang desisyon, nadismaya at nawalan ng pag-asa ngunit hindi umano kailangan na maging Pangulo para makatulong sa kapwa.

Kung maalala una ng nag-file ng kanyang COC si Mayor Inday sa nakaraang araw ngunit muli itong tatakbo sa local position.