-- Advertisements --

MANILA – Nilinaw ng Department of Health (DOH) na may approval mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang plano ng pribadong sektor na gawing mega vaccination site ang Nayong Pilipino sa Paranaque City.

“It was approved in the IATF that Nayong Pilipino will be one of those huge vaccination sites that we will have in the country,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.

Noong nakaraang linggo nang umalma ang Nayong Pilipino Foundation (NPF) dahil kapalit ng pagtatayo ng malaking vaccination ang pagputol sa higit 500 puno sa target na lupa.

“Once lost, it could take decades to recover this ecosystem. A mega-vaccination facility that will destroy this ecosystem would be a disaster and a disservice to the residents of Metro Manila who need more green and open spaces,” ayon sa statement ng NPF.

Ayon kay Vergeire, ang Vaccine Cluster, sa pamamagitan ni Sec. Carlito Galvez ang nakikipag-negosasyon para sa planong mega vaccination site.

Una nang dumepensa si Galvez mula sa pagtutol ng NPF, at sinabing hindi dapat ikumpara ang buhay ng puno sa buhay ng tao.

Sinuportahan naman ng Department of Tourism ang posisyon ng vaccine czar, dahil isang government-owned corporation sa ilalim ng kagawaran ang Nayong Pilipino.

“We would like to emphasize that the government deeply cares for the environment. But as the pandemic wreaks havoc on the lives of our people and our economy, we have to make the choice. ‘Green and open spaces’ will be useless if there will be no one to visit them,” ani Galvez.