-- Advertisements --

Inanunsiyo ng singer na si Machine Gun Kelly na nanganak na ang asawa nitong si Megan Fox.

Sa kaniyang social media account ay ibinahagi niya ang kasarian ng anak na isang babae.

Hindi na nito binanggit pa ang pangalan ng kaniyang anak.

Kasama rin ang larawan na hawak niya ang kamay ng anak na babae.

Magugunitang noong Nobyembre ng ianunsiyo ng actress na ito ay buntis.

Ito ang unang anak ng dalawa kung saan ang actress ay mayroon ng tatlong anak na sina Noah,12-anyos; Bodhi, 11-anyos at Journey na edad 8 mula sa actor na si Brian Austin Green na ikinasal sila mula 2010 hanggang 2020.

Habang ang singer na si Kelly ay mayroong anak na babae na si Casie Colson Baker na isinilang noong 2009 mula sa dating nobya na si Emma Cannon.

Nagsimula ang relasyon nina Kelly at Fox noong 2020 noong lumabas ang actress sa music video ng singer.

Taong 2022 ng naiulat na engaged na ang dalawa.