-- Advertisements --

Hindi na umano pinapatuloy ni Megan Fox ang divorce case nila ng asawa at kapwa celebrity na si Brian Austin Green.

Batay sa impormasyon, ito’y matapos magkasundo na sina Fox at Green sa loob ng tatlong taon mula nang makipaghiwalay ang 32-year-old actress/model.

Taong 2015 nang magdesisyon si Fox na bitiwan na ang five years of marriage sa 45-year-old actor dahil sa irreconcilable differences.

Gayunman, nakabuo pa ang mga ito ng third baby at nagkabalikan sa sumunod na taon.

Sa ngayon ay anim na taong gulang na ang panganay nila na si Noah, five years old naman ang baby No. 2, at two years old ang bunso.

Nabatid na binatilyo naman ang anak ni Green sa dating karelasyon. (OMG)