Bakas ang kasiyahan ng dating American actress na si Meghan Markle at asawang si Prince Harry sa pagiging certified parents.
Ito’y ilang araw matapos isilang na ni Markle ang panganay nila ni Harry na si Archie Harrison Mountbatten-Windsor.
Nagkaisa ang 34-year-old Duke at 37-year-old Duchess of Sussex sa paglalarawan bilang “amazing†ang mga unang araw ng pag-aalaga kay Master Archie.
“He has the sweetest temperament, he’s really calm. He’s been the dream,†pagbida ni Markle nang iharap sa camera ang anak.
“I don’t know who he gets that from,†natatawa namang sambit ni Harry.
Nabatid na pinili nina Markle at Harry na huwag gamitan ng anumang title ang kanilang first born, na sinasabing maaaring “Earl of Dumbarton” o “Lord Archie Mountbatten-Windsor.”
Samantala, ayon sa Royal author na si Penny Junor, inspirasyon kung bakit walang title ang pang-pito sa British throne ay ang naging hirap ng ama nito habang lumalaki sa royal family.
“It’s exactly what I would have expected from Harry. He would have dearly liked to have been a normal boy growing up and found his title very difficult. I think that his choice for his son is to let him have the kind of life that he didn’t have,†saad ng nasabing eksperto. (BBC/irishexaminer)