-- Advertisements --

Inamin sa kauna-unahang pagkakataon ni Meghan, ang Duchess of Sussex, na nakuhan siya ng kanilang second child ni Prince Harry noong buwan ng Hulyo.

Ginawa ni Meghan ang pag-amin sa pamamagitan ng opinion write up para sa New York Times.

Meghan Harry

Sa sulat ng Duchess, kuwento nito na habang pinapalitan daw niya ng diaper ang una nilang anak na si Archie Harrison Mountbatten-Windsor, bigla na lamang may naramdaman siyang kakaiba sa kanyang tiyan.

Hanggang mapasadlak daw siya sa sahig habang kalong-kalong si Archie.

Sinabayan daw niya ito nang pag-awit (hum) upang pakalmahin ang kanyang sarili at dinadala.

Ito ay sa kabila nang kanyang pakiramdam na merong hindi magandang nangyari at mawawala ang kanilang ikalawang anak dahil sa miscarriage.

“I dropped to the floor with him in my arms, humming a lullaby to keep us both calm, the cheerful tune a stark contrast to my sense that something was not right,” ani Meghan sa artikulo. “I lay in a hospital bed, holding my husband’s hand. I felt the clamminess of his palm and kissed his knuckles, wet from both our tears. Staring at the cold white walls, my eyes glazed over. I tried to imagine how we’d heal.”

Sa natura ring isinulat ni Meghan inilarawan ng dating aktress at miyembro ng Britain’s royal family ang hirap ng kanyang naranasan at maging si Harry.

Samantala, nagbigay din naman ng kanyang mga pananaw ang Duchess sa epekto ng nararanasang krisis sa COVID pandemic at isyu sa police brutality at racism sa Amerika.