Ikinalungkot ni Duchess of Sussex Meghan Markle na inirereklamo ito sa pambubully noong ito ay naninirahan pa sa Kensington Palace.
Lumabas kasi sa mga balita ang pagpapalayas niya sa dalawang personal assistants nito at ang kawalan umano ng tiwala sa ikatlong personal assistant nito.
Ayon sa tagapagsalita ni Markle na ito ang pinakabagong atake sa pag-uugali nito.
Ang nasabing mga usapin ay lumabas matapos ang interview ni Oprah Winfrey kay Meghan at asawang si Prince Harry.
Nanirahan ang duchess sa Kensington Palace ng halos dalawang taon matapos ang kasal nito kay Prince Harry noong Mayo 2018.
Hindi aniya nakakatuwa ang nasabing alegasyon na pambubully dahil siya mismo ang lumalaban dito at tinutulungang makabangon ang mga biktima ng pambubully.
Magugunitang nagdesisyon na umalis bilang royals ang mag-asawa noong March 2020 at ngayon ay naninirahan na sila sa California.