Kinumpirma ng Buckingham Palace na sikretong dumalaw si Duchess of Sussex Meghan Markle sa burong nang pinaslang na estudyante sa South Africa.
Ayon sa palasyo, kasalukuyang nasa bansa si Markle kasama ang kanyang asawa na si Prince Harry at binantayan umano ng mga ito ang trahedyang nangyari.
Nais din umano ng mag-asawa na gawing pribado ang pagdalaw bilang pakikiisa sa dalamhati na nararamdaman ng pamilya ng biktima.
Noong Agosto nang halayin at patayin ang 19-anyos na estudyante mula sa isang unibersidad sa Cape Town.
Ang brutal na krimen na ito ay nagbunsod ng galit sa buong lupain ng South Africa at muli ring nabuhay ang isyu ukol sa nangyayaring femicide sa bansa.
Sa litratong ibinahagi ng palasyo, makikita si Markle na nagtatali ng ribbon sa lugar kung saan pinatay ang biktima. Nakipag-usap din ito sa ina ng estudyante upang ipaabot ang pakikiramay nilang mag-asawa.
“Uyinene’s death has mobilized people across South Africa in the fight against gender
“The Duchess has taken private visits and meetings over the last two days to deepen her understanding of the current situation and continue to advocate for the rights of women and girls.”