-- Advertisements --

Isiniwalat ni Duchess of Sussex Meghan Markle sa kaniyang one-on-one interview kay Oprah Winfrey na minsan na niyang naisip na magpakamatay noong naging myembro siya ng royal family.

Kwento ni Markle, wala na raw siyang ibang solusyon na nakita noon kundi tapusin ang kaniyang sariling buhay. Dumating daw siya sa punto na hindi niya alam kung anong nangyayari at puro kwestyon na lamang ang laman ng kaniyang isipan.

Ilang beses din aniya siyang nakatanggap ng tawag mula sa kaniyang ina at mga kaibigan na nagsasabing hindi siya pinoprotektahan ng royal family.

Nahihiya umano siyang ipaalam at aminin ito kay Prince Harry dahil batid nito kung anu-ano ang mga nawala at tiniis ng kaniyang asawa para sa kaniya.

Hanggang sa nagpunta na si Meghan sa isang institusyon upang humingi ng tulong subalit hindi raw ito tinanggap dahil myembro siya ng royal family.

Ginawa ni Meghan ang pagsisiwalat na ito upang tulungan aniya ang mga tao na natatakot na humingi ng tulong. Batid aniya ni Meghan kung gaano kahirap ang kanilang pinagdadaanan.

“If that comes with a risk of losing things, there’s a lot that’s been lost already,” dagdag pa ng Duchess of Sussex. “I’ve lost my father, I lost a baby, I nearly lost my name, there’s the loss of identity. But I’m still standing, and my hope for people in the takeaway from this, is to know that there’s another side — to know that life is worth living.”