-- Advertisements --

Ibinasura ng korte sa United Kingdom ang apela ng Associated Newspapers Limited (ANL) tungkol sa naunang desisyon ng korte sa privacy case inihain ni Meghan Markle ang Duchess of Sussex.

Nagbunsod ang nasabing kaso sa pribadong sulat ng ama ni Meghan na si Thomas Markle noong Agosto 2018.

Dinala ni Meghan ang paghabla sa ANL matapos na naglabas ang diyaryo na Mail ng bahagi ng sulat ni Thomas.

Ayon sa korte na ang nasbing sulat ay personal, pribado at legitimate public interest.

Sinabi ni Meghan na ang kaso ay makakatulong sa pagbabago ng mga pahayagan sa UK.