-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Binawian ng buhay ang isang mekaniko sa inilunsad na anti-drug operation ng mga otoridad sa syudad ng Kidapawan.

Nakilala ang nasawi Aljer Cañedo at residente ng Purok Avocado, Barangay Singao, Kidapawan City.

Ayon kay Kidapawan City Chief of Police,Lieutenant Colonel Ramel Hojilla na nagsagawa ng buybust operation ang mga tauhan ng PNP Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU-12) malapit sa tahanan ng suspek ngunit natunugan nito na mga pulis ang kanyang ka-transaksyon kaya nanlaban.

Napilitan ang mga otoridad na barilin si Cañedo kaya itoy nasawi at narekober sa kanyang posisyon ang kanyang baril,shabu at drug paraphernalia.

Rason naman ng pamilya ni Cañedo na hindi ito nanlaban dahil wala naman siyang baril.

Sa ngayon ang Kidapawan City PNP ang patuloy na nag-iimbestiga sa naturang pangyayari.