-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagtamo ng matinding lapnos sa katawan ang isang mekaniko nang masabugan sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Rogelio Bartenis,48 anyos at residente ng Alim Street Barangay Poblacion Kidapawan City.

Ayon sa ulat ng Magpet PNP na habang chinop-chop ni Bartenis ang parte ng isang sirang backhoe sa Purok Kabisig, Barangay Poblacion Magpet Cotabato ay nasagi nito ang fuel tank at sumabog.

Nagtamo ang biktima ng second degree burn sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan at agad namang naisugod sa pagamutan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Magpet Municipal Police Station sa naturang pangyayari.