-- Advertisements --

Sasama sa unang pagkakataon si First Lady Melania Trump sa campaign rally ni US President Donald Trump sa Pennsylvania sa Miyerkules.

Ito ang unang unang pagkakataon na pagsama ng First Lady na huling nakita ay noong Republican National Convention noong Agosto.

Tatapatan niya bukas ang campaign team ni California Senator Kamala Harris.

Makakasama kasi ni Harris ang ilang Marvel superheroes gaya ng mga actor na sina Chris Evans, Don Cheadle, Scarlett Johansson, Paul Rudd, Mark Ruffalo at Zoe Saldana.