-- Advertisements --

Umatras na si First Lady Melania Trump na sumama sa campaing rally ni US President Donald Trump.

Ayon sa tagapagsalita nito na si Stephanie Grisham, inuubo ang first lady kaya minabuti na huwag ng ituloy ang pagsama sa rally.

Nauna ng sinabi nito na sasama siya sa campaign rally ng US President sa Erie, Pennsylvania.

Tiniyak naman ng tagapagsalita nito na naging mabuti ang kalagayan nito at nagpapagaling na ito.

Magugunitang nagpostibo sa coronavirus ang US first lady at ang pangulo na gumaling matapos ang ilang araw na quarantine.