-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Melinda French Gates na ito ay magbibitiw bilang co-chairman ng Bill & Melinda Gates Foundation.

Bilang bahagi ng separation agreement mula sa dating asawa na si Bill Gates ay makakatanggap ito ng dagdag na $12.5 bilyon para sa knaiyang charitable work.

Plano nitong ibigay sa mga grupo na nakatutok sa mga kababaihan at pamilya.

Sinabi nito na naging mabigat para sa kaniya ang nasabing desisyon na kaniyang tinulungan pangunahan mula pa noong 2000.