-- Advertisements --
Siyam na buwan matapos maging engaged, opisyal nang pinasok ni Melissa Ricks ang buhay may asawa.
Sa kanyang IG stories, mismong ang 31-year-old actress ang nagbigay ng updates sa kanyang “big day” na ginanap sa California nitong weekend.
Agosto noong nakaraang taon nang yayaing magpakasal si Ricks ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Michael Macatangay.
Ito’y sa pamamagitan ng intimate surprise proposal sa harap ng kani-kanilang pamilya at malalapit na kaibigan sa Batangas kung saan sila nagkakilala.
Noong huling bahagi ng 2019 nang ipinakilala ni Melissa sa publiko ang kanyang bagong nobyo, na kanyang tinawag bilang “answered prayer.”
Kung maaalala, ang huling napabalitang nobyo ni Melissa ay ang non-showbiz guy na si Charles Togezaki.