-- Advertisements --

Balik bansa na ang Pinoy boxer na si Melvin Jerusalem matapos ang matagumpay na laban niya Japan.

Ipinagmalaki nito ang bagong WBC minimumweight belt nito na nakuha matapos talunin si Yudai Shigeoka sa split decision sa Nagoya, Japan.

Sinabi nito na magpapahinga lamang ito ng kaunti at sasabak muli sa bagong laban.

Maaring sa mag-unify ito sa kapatid nila Shigeoka brother o rematch kay Oscar Collazo sa WBO.

Mayroon na siyang 22 panalo at tatlong talo at siya lamang ang active Filipino world champion.

Ito na ang pangalawang pagkakataon na naging world champion si Jerusalem dahil noong 2023 ay pinatumba niya si Masataka Taniguchi sa pamamagitan ng ikalawang raound TKO.